Paano Maiiwasan ang Stress?

Kung may isang ganap sa buhay ng isang tao na palaging bumibida at laging trending saan man sa mundo, wala ng iba yan kundi ang STRESS. Maging sino ka man, walang pinipiling kasarian, edad at estado sa buhay, hangga’t gumagana ng maayos ang isipan sigurado na nararamdaman mo ito.

Paano mo nasasabi na naiistress ka?

Sa madalas nating karanasan, puwede nating isipin na nakakastress kapag nakakainis ang isang sitwasyon o nayayamot tayo sa ginagawa o sinasabi ng isang tao. Kapag labis ang ating pagdaramdam, pag-aala-ala, takot, lungkot, at galit, diyan tayo nakababanggit ng pakiramdam na -“Nakakastress!” Bunga ito ng mga pangyayaring di maiwasan tulad ng pangangailangan sa pera, kawalan ng trabaho, karamdaman, pagkawala ng minamahal sa buhay, pakikipagbreak sa dyowa at iba pa na nagiging dahilan ng stress.

Sa personal na dahilan ng aking pagka-stress, naiistress ako kapag naghahabol ako sa oras. Yung dapat ay nagawa ko ang isang bagay sa takdang oras pero hindi ko nagawa. Naiistress din ako kapag hindi sumasang-ayon ang mga bagay-bagay sa nais kong mangyari. Una dahil ayaw lang talaga siguro ng tadhana. Pangalawa, dahil may kumokontra. Kapag may nasabi akong mali at labis kong iniisip at pinagsisisihan. Kapag hindi agad mabura sa isip ko ang palpak na nagawa na nadadala sa pagtulog hanggang sa paggising na bumabagabag sa aking kalooban. Iyan ang mga dahilan kung bakit ako naiistress. Alam ko naman na minsan ay hindi ko magawang imanage ng tama ang aking sarili at oras kaya humahantong ito sa pagkabalisa o stress. Gayunpaman, may mga paraan upang maiwasan ang maistress ng sobra.

Alam nyo ba na mahalagang maunawaan kung bakit nararamdaman natin ang stress at lalong mahalaga na malaman kung ano ang dapat gawin kapag umaatake ang ganitong pakiramdam.

Iyan ang tatalakayin natin sa artikulong ito. Pero alamin muna natin kung ano ang tunay na kahulugan ng stress at mga sintomas nito.

Ano ang stress?

Ang stress ay ang reaksyong ng ating katawan sa tuwing may nagbabadyang mapanganib o pagsubok. Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng sikolohikal (psychological) at pisyolohikal (physiological) reaksyon.

Stress is our psychological and physiological reaction to an event or condition that is considered a threat or challenge.

Stress is a biological response to a perceived threat. It’s caused by chemicals and hormones surging throughout your body. It can help you respond to a particular problem, but too much can harm your health.

Stress is the body’s physical response to a real or perceived threat, demand, or danger.

When you feel threatened, your body releases stress hormones which prepare the body to respond. This is called the “fight or flight” response.

Stress hormones, like cortisol and adrenaline, make your:

  • heart beat faster
  • muscles tighter
  • breathing faster
  • blood pressure higher
  • senses sharper

Sometimes a pressurised situation triggers a stress response. The situation may not actually put you in danger. But your body may react as if it does.

A stress response can be helpful in some situations. It can increase your performance. But sometimes it can be detrimental to your mental health.

Recognising the different types of stress — and how your body responds to them — can help you get help with stress when you need it.

Iba’t- ibang Uri ng Stress

Maraming uri ng stress na nahahati sa magkakaibang kategorya. Ang tatlong(3) pangunahing uri ng stress ang unahin nating alamin.

  1. Acute Stress: Ang pinaka

Physical stress:

mental stress, emotional stress at behavioural stress.

4 na Hakbang Kapag Biglang Sumakit ang Mababang Bahagi ng Likuran

LOW BACK PAIN

Ang pagsakit ng likod ay maaaring maranasan ng kahit sino lalo na ng matatanda. Marami ang puwedeng maging dahilan ng pagsakit ng likod kaya hindi dapat gawin na lamang ng basta-basta ang mga exercises at stretching na mapapanood sa You Tube kung hindi nauunawaan ang saktong sanhi ng pagsakit ng likod.

Ang ilan sa pangkaraniwang dahilan ng pagsakit ng likod, partikular sa mababang bahagi ng likuran ay :

  1. Strain – injury sa muscle o tendon sa likod. Nangyayari ito kapag mali ang posisyon ng likod kapag nagbuhat ng mabigat o mali ang pagpihit ng katawan.
  2. Lumbar Spondylosis /Osteoarthritis- kilala rin sa tawag na rayuma.
  3. Spinal Stenosis – pagkipot ng spinal canal.
  4. Sciatica -pagkaipit ng malaking ugat sa likod.
  5. Herniated disk – pagkasira sa malambot na bahagi na pumapalaman sa pagitan ng mga gulugod.
  6. Scoliosis – pagmali ng kurba ng likod.
  7. Spondylolisthesis – Paglinsad ng buto sa likod.
  8. Iba pang karamdaman gaya ng kidney stone, abdominal aortic aneurysm at cancer.

Lumalamang ang pagsakit ng likod sa mga tao na :

  1. Matataba
  2. May edad na higit sa 30 yo
  3. Maninigarilyo, mag-iinom at sedentaryo ang pamumuhay
  4. May trabaho ng pagbubuhat ng mabigat at madalas na pagyuko.
  5. May family history ng osteoarthritis at cancer.
  6. May depresyon.

Mayroong pagsakit ng likod na biglaang mararamdaman dahil sa muscle strain o biglang pagkabanat ng kalamnan sa likuran at ito ay nangyayari kapag nagbuhat ng mabigat, sobra ang pagkakayuko, mali ang pagpihit ng katawan habang may mabigat na dala, atbp. Acute low back pain ang tawag dito, ibig sabihin ay hindi pa nagtatagal na nararamdaman ang pagsakit ng likuran. Araw pa lamang ang binibilang nang mangyari ang pagsakit ng likod. Kapag ganito ang nangyari ay dapat gawin ang mga sumusunod:

1.Pinakamainam na magpatingin sa doktor lalo na kung napakasakit ng likod. Ito ay upang masuri kayong mabuti at malaman ang tiyak na pinagmumulan ng inyong nararamdaman. Gayundin ay mabigyan kayo ng tamang gamot upang maibsan ang nararamdamang sakit.

2. Iwasan ang palaging nakahiga. Mas lalo lamang palalalain ng pagpirmi sa higaan ang nararamdamang sakit sa likod. Sa halip na mamahinga ay maglakad-lakad na lang kahit sa loob ng bahay. Mahiga lamang kung kinakailangang matulog.

3. Mag- apply ng cold compress sa bahaging masakit. Gawin ang cold compress sa unang tatlong araw na nainjure ang likod. Kumuha ng yelo, maaari itong durugin kung masyadong malaki at ilagay sa isang maliit na plastic bag. Idampi sa masakit na likod. Patungan ng manipis na towel ang balat bago ipatong ang yelo na nasa plastic kung masyadong nalalamigan. Gawin ang cold compress kada isang oras sa loob ng 10 minuto sa unang araw. Sa ika-2 araw ay gawin kada 2 oras ang cold compress sa loob ng 10minuto. Sa ika-3 araw ay 3 beses gawin ang cold compress sa loob ng 10 minuto. Sa umaga, tanghali at gabi na lamang. Sa mga susunod na araw ay maaari ng hot compress ang iapply. Ito ay ang pagpapainit ng likuran gamit ang hot compress bag, hot pack o pinainitang towel na ilalagay at iiwan sa likuran sa loob ng 20 minuto. Ingatan upang hindi mapaso ang likuran.

4. Sumangguni sa lisensyadong Physical Therapist upang magabayan kayo sa tamang ehersisyo, stretching at strengthening exercises, maituro ang proper body mechanics at proper technique ng pagbubuhat at para agad makarecover at maiwasan na mainjure uli ang likod.

DISCLAIMER:
The information provided in this article is for general educational purposes only and is not a substitute for professional medical advice or treatment for specific medical condition. Do not use this information to diagnose or treat a health problem without consulting a physician.

Panlalagas ng Buhok Ano ang Dahilan at Paano Mapipigilan?

Sino ang hindi naghangad ng makapal at magandang buhok. Dahil ang buhok ang tinaguriang crowning glory sa ating katawan, hindi dahil sa ito’y nasa ating tuktok kundi dahil rin sa napakalaki ng hatid nitong ganda sa dating at itsura ng isang tao.

Ngunit paano kung manlagas ang buhok. Ang panlalagas ng buhok ay maaaring mangyari sa kahit na sino, lalaki, babae, matanda o bata at wala itong pinipiling edad.

Ano ang dapat gawin kung nararanasan ito? Ano ang natural at epektibong paraan upang maibalik ang magandang tubo ng buhok?

Una sa lahat ay mahalagang maunawaan na mayroong normal hair loss at may abnormal hair loss. Kailangan ding malaman na may uri ng panlalagas na kayang masolusyunan sa pamamagitan ng natural na paraan gamit ang mga natural na sangkap sa bahay at mayroon ding uri ng panlalagas o pagkakalbo na nangangailangan ng tulong ng mga doktor at eksperto.

Para sa mga nangangamba sa panlalagas ng kanilang buhok, huwag mag-alala kung ang bilang ng nalalaglag na buhok mula sa inyong ulo ay nasa 50 hanggang 100 na hibla kada araw dahil ito ay normal lamang. Ngunit kung may mga panot na sa anit at sobrang nipis na ng buhok ay hindi na normal kung nalalagasan pa ng 100 hibla araw-araw.

Pangkaraniwang Dahilan ng Panlalagas ng Buhok

Dalawang (2) katergorya sa panlalagas ng buhok.

1. Acute (hair loss). Biglaang panlalagas ng buhok.

Ang biglaang panlalagas ng buhok o acute hair loss ay kadalasang nangyayari kapag ang isang tao ay dumanas ng mataas na lagnat bunga ng karamdaman gaya ng dengue, typhoid fever, covid atbp. Ang ilan pa sa karaniwang dahilan ng acute hair loss ay post pregnancy o bagong panganak, post surgery o katatapos sumailalim sa operasyon, severe stress o labis na pagkabalisa, atbp.

2. Chronic (hair loss). Panlalagas ng buhok na matagal ng nararanasan sa loob ng maraming buwan at taon.

Ang chronic hair loss o matagal ng panlalagas ng buhok ay maaaring nakuha sa lahi o namana sa magulang. Ang iba pang dahilan ng chronic hair loss ay kakulangan sa iba’t- ibang bitaminang kailangan ng katawan, thyroid disease, polycystic ovary. Gayundin, may mga gamot na nakakalagas ng buhok at ilan dito ay gamot sa high blood at diabetes.

Paano Muling Mapapatubo ang Buhok

Sa oras na matukoy ang dahilan ng panlalagas ay magiging mas madali ng malaman kung anong solusyon ang dapat gawin.

Para sa mga nagtitipid at humahanap ng solusyon na maaaring gawin sa bahay. Para matigil na ang panlalagas at mapatubo uli ang buhok sa natural na paraan, at para mapanatiling malusog ang buhok, narito ang mga dapat gawin.

  1. Kailangang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. Ang protina ay nanggagaling sa pagkain ng itlog, nuts, chicken breast, oats, milk, cheese, yoghurt, seafoods, atbp.
  2. Napakahalaga rin ang pagkain ng mabeberdeng gulay, dahil ang taglay nitong iron ay mabuti para sa dugo na siyang susuporta para ang buhok ay tumubo. Ang mga halimbawa nito ay broccoli, lettuce, spinach, talbos ng kamote, malunggay, pechay, mustasa, kangkong atbp.
  3. Magkaroon ng regular exercise, dahil nagpapaganda ito sa daloy ng dugo patungong anit. Ang paglalakad at pagjojogging ng 30 minuto hanggang 1 oras ay mainam na ehersisyo hindi para lang mapatubo ang buhok kundi para na rin sa buong katawan.
  4. Ang paninigarilyo at pagkain ng junk foods ay kailangan ding iwasan. Ang mga ito ay maituturing na lason na unti-unting sumisira sa mga cells at organ ng tao.
  5. Imasahe ang anit sa paikot-ikot na direksyon at gawin itong malumanay gamit ang inyong fingertips sa loob ng limang (5) minuto. Ang pagmamasahe sa ulo ay magpapaganda sa daloy ng dugo sa anit na siyang tutulong sa muling pagtubo ng mga buhok. Maaaring gumamit ng coconut oil sa pagmamasahe. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.

Ang pagsasagawa ng mga nabanggit na pamamaraan upang makatulong sa muling pagtubo ng buhok ay kailangang patuloy na isagawa ng walang ligtang sa loob ng anim na buwan.

Kung napansin na walang naging pagbabago kahit sumunod na sa mga paraang ito, ibig sabihin ay nangangailangan na ng malalim na pagsusuri at kinakailangan ng magpatingin sa doktor o dermatologist.

Disclaimer: The content in this article is not a medical advice or treatment plan. It is intended for general education only.

10 Steps para Pumayat in 29 days sa Natural na Paraan

Nagmamadali ka na bang habulin ang date na kailangan ay payat ka na dahil may event kang aatendan o kaya ay nakipagpustahan ka sa iyong kaibigan? O gusto mo lang talagang pumayat dahil sa banta ng masamang kalusugan. Ano pa man ang iyong dahilan, ang masasabi ko lang “It’s best to be fit than to be fat.”

Pero kaya bang maachieve ang pagpayat in 29 days sa natural na paraan at hindi iinom ng anumang produkto na pampapayat ?

Maraming naglipanang iba’t ibang inuming pampapayat. Para sa mga tao na natatakot uminom ng mga produktong ito ay mayroon namang mga tiyak, ligtas at natural na paraan ng pagpapapayat.

Depende kung gaano ka kabigat at kataba ngayon. Makakaya naman na mabawasan ang iyong timbang sa maikling panahon. Kung paano mo ito gagawin ay marahil sya mong gustong malaman ngayon.

Alam mo ba na may isang ingredient na kailangang- kailangan para pumayat pero hindi kayang gawin ng karamihan kaya di sila nagtatagumpay. Iyan ang aking ibubulgar sa article na ito.

Masakit na Likod, Dahilan at Kagamutan

Back pain

Kung nakararanas kayo ng pagsakit ng likod at naghahanap ng sagot sa katanungan kung bakit kumikirot ang inyong likuran ay bibigyan ko kayo ng idea sa maaaring pinagmumulan ng inyong problema.

Ang likod ay unang naaapektuhan kapag mali ang ating pagyuko, hindi nasusunod ang tamang paraan ng pagbubuhat ng mabigat, pagtulog sa maling posisyon, pag-upo at pagtayo ng matagalan na walang magandang suporta at marami pang ibang puwedeng maging dahilan.

Maaaring nagmumula ang pagsakit na ito sa naipit na nerve, napisang disc ng likod, arthritis, napunit na laman atbp.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa masakit na likod ay basahin lamang ang mga sumusunod.


1. Katandaan. Maraming matatanda ang may masakit na likod dahil sa mga pagbabago sa spine at mga nakapalibot dito. Halimbawa, kumikipot ang canal ng spine, lumalabas o napipisa ang discs ng spine, nawawala ang lubricants ng spine, naiipit ang nerve, at nagkakaroon ng arthritis sa spine na hindi naiiwasan dahil resulta ito ng katandaan.

Solusyon: Bagama’t hindi napipigilan ang pagtanda, masusuportahan naman ng tamang ehersisyo at stretching ang masakit na likod. Maaari rin na magpahid ng liniment sa bahaging masakit upang maibsan ang nararamdamang sakit. Hindi na rin kailangan na umabot pa ng senior bago mag- exercise. Habang bata pa ay magsimula ng maging habit ang pag-eehersisyo upang maging matibay ang mga kalamnan at kasukasuan.

2. Sprain at strain. Ang sprain (pagkabanat) at strain (punit) ay nangyayari sa ligaments, muscle at tendon na sumusuporta sa spine at joints ng likod. Nangyayari ito kapag bumuhat ng isang bagay sabay pumihit. Puwede rin itong mangyari bunga ng aksidente at sport injuries.

Solusyon: Agad magpatingin sa doktor kung may aksidenteng tinamo sa likod upang masuri at mabigyan ng tamang kagamutan. Maaari rin kayong payuhan na sumailalim sa rehabilitasyon o Physical Therapy.

3. Lifestyle. Madalas hindi napapansin ngunit malaki ang nagiging epekto ng araw-araw na gawain sa kalagayan ng ating likod. Katulad ng karamihang trabaho ngayon na “work from home”, madalas na reklamo nila ang masakit na likod dahil sa hindi tamang pag-upo, maling posisyon ng laptop o computer, maling taas ng upuan, kasama rin ang pwesto ng mga paa at kamay. Kabilang din sa lifestyle ang kakulangan sa exercise, paninigarilyo, overweight, mahilig magsuot ng high heels at madalas na pagbubuhat ng mabigat.

Solusyon: Baguhin at itama ang maling lifestyle.

4. Stress. Huwag balewalain ang stress dahil isa rin itong dahilan ng pagsakit ng likod. Nagdadala ito ng tension sa muscle sa likod na nagreresulta sa pananakit nito at pinapalala pa kung may kahalong depresyon at pagkabalisa.

Solusyon: Inhale exhale. Huminga ng malalim at damhin ang iyong hininga. Isipin mo na blessed ka pa rin dahil humihinga ka pa. Kung ang pinoproblema mo ay pera, gumawa ka ng paraan para ikaw ay kumita. Kung karamdaman naman ang nagpapastress sa iyo, gumawa ka ng paraan para huwag itong lumala. (Huwag magpakamatay darating ang tamang oras, wait wait lang.) Manalangin at humingi ng tulong sa Lumikha, di ka Niya pagkakaitan ng biyaya basta ikaw ay naniniwala.

5. Iba pang dahilan ng pagsakit ng likod:

A. Pagbubuntis

Pregnancy Back Pain Relief

B. Scoliosis

C.Tumor

D. Osteoporosis

E. Kidney problem

Solusyon: Kumonsulta sa inyong doktor para sa pagsusuri at tamang gamutan.

Mahirap kumilos at magtrabaho kapag masakit ang likod. Huwag mabahala dahil may kagamutan naman ito. Dapat tandaan na mahalagang magpasuri muna sa doktor bago uminom ng anumang gamot. Mahalaga rin na may gabay mula sa eksperto kung gagawa ng anumang ehersisyo.

Disclaimer: The content in this article is not a medical advice or treatment plan. It is intended for general education only.

Mga Dapat Tandaan sa Pagkuha ng BP o Blood Pressure

Ang presyon ng dugo ay napakahalagang senyales na binabantayan sa mga may sakit lalo na sa mga high blood, may problema sa puso at mga matatanda.

Ang dugo sa katawan ng tao ay may normal na bilis ng pagdaloy. Ngunit kung minsan, hindi nagiging tama ang resulta ng nakuhang presyon ng dugo dahil sa maling paraan ng paggamit ng aparato, maling kundisyon ng katawan, at maging ang maling posisyon ng kamay.

Upang makatiyak sa tamang resulta ng nakuhang BP (blood pressure), ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang.

1. Siguraduhing gumagana ng maayos ang aparato.

Ang needle ng aneroid sphygmomanometer ay kailangang nakatapat sa zero bago gamitin at dapat ay sumusunod ng maayos kapag pinipisil na ang rubber bulb at kapag nagrerelease ng hangin.

Kung ang gamit ay automatic/digital BP monitor na de-baterya, kailangang gumagana ng maayos ang battery. Kapag luma na o matagal na ang baterya ay hindi na ito angkop gamitin dahil hindi na ito nakapagbibigay ng tamang resulta.

Ang kalumaan ng aparato (BP monitor) ay may malaking epekto rin sa makukuhang BP.

2. Kumuha ng BP sa tahimik na lugar.

Mas mabuting tahimik ang paligid kapag kukuha ng BP lalo na kung ang gagamitin ay aneroid sphygmomanometer at stethoscope. Mahirap marinig ang heart sound kapag maingay, baka magkamali pa ng pakinig.

3. Ikundisyon ang katawan at isip.

Kung katatapos lang maligo, nanigarilyo, lasing sa alak, at kasalukuyang pagod dahil sa pag-eexercise, huwag agad magpa BP. Palipasin ang 10-30 minutes bago icheck ang BP.

Kapag nakakaramdam ng stress ay hindi rin angkop na magpakuha ng BP. Sa ganitong pagkakataon ay malamang na mataas ang maging resulta kaya’t mainam na kumalma muna at magrelax bago magpa-BP.

4. Iposisyon ng tama ang kamay at buong katawan.

Dapat maupo ng maayos, straight ang likod, relax, huwag mag-cross ng legs. Ipatong ang kamay sa mesa o kaya’y gumamit ng unan upang ang braso ay naka level kapantay ng puso.

5. Ang kumukuha ng BP ay kailangang may kasanayan sa pagkuha nito lalo na kung ang gamit ay manual at hindi automatic.

Mahalagang icheck ang BP ng madalas lalo na yung nakararamdam ng masama at mga matatanda. Sa pagmonitor ng BP maaagapan ang malalang karamdaman at maliligtas ang buhay.

Maling Akala Tungkol sa Physical Therapy

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi nakaaalam ng totoong serbisyong ibinibigay ng physical therapy.

Kahit matagal nang pinapractice sa Pilipinas ang propesyong ito ay hindi pa rin lubos na nauunawaan ng karamihan ang katangian nito.

Mahalagang malaman ng mga tao ang kahulugan at tulong na ibinibigay ng physical therapy upang sa pagdating ng pagkakataon na kailanganin mo ito ay hindi ka na magkakaroon ng alinlangan na lumapit dito.

Narito ang ilan sa mga maling akala tungkol sa physical therapy.

1. Ang physical therapy ay para lang sa may masasakit ang katawan.

Totoo na ang physical therapy ay tumutulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng isang tao. Katulad ng masakit na likod, ngalay na balikat, mahinang kamay at paa, kumikirot na leeg at iba pa. Ngunit hindi lang mga kirot kirot ang sakop na tulong na kayang gawin ng physical therapy. Nakapaloob din sa physical therapy ang magpalakas ng napinsalang parte ng katawan matapos maaksidente, maturuang lumakad muli ang isang na stroke, magturo ng ehersisyo sa mga pasyenteng sumailalim sa operasyon sa puso, maturuan ang taong naparalisa na makakilos muli at marami pang iba.

Ang physical therapy ay hindi lang para sa may mga masakit sa katawan kundi ito’y bahagi ng serbisyong medical na tumutulong upang makabalik ang isang tao sa kanyang normal na lakas matapos ang isang mapaminsalang karamdaman o aksidente.

2. Ang physical therapist at manghihilot ay pareho lang?

Malaki ang pagkakaiba ng isang PT (physical therapist) at isang manghihilot o masahista. Kung nag-aral o nagtraining ang masahista sa loob ng anim (6 ) na buwan sa TESDA, ang PT ay gumugugol naman ng anim (6) na taon upang makumpleto ang pag-aaral at maging lisensyado sa ilalim ng PRC. Ito ay ang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng lisensya sa mga propesyonal na manggagawa ng Pilipinas tulad ng mga doktor, guro, engineer, abogado, nurse atbp.

3. Mahal ang magpatherapy.

Kung ikukumpara ang halaga ng pagpapanumbalik ng kalakasan ng katawan sa halaga ng pagpapatherapy, di hamak na masasabing hindi ka na lugi kung ikaw ay magpapatherapy dahil walang katumbas na halaga ng salapi ang makaramdam ka ng ginhawa sa katawan. Makakikilos ka ng maayos at makababalik sa hanap-buhay na walang pagsakit na sagabal.

Paano Maiiwasan ang Pagsakit ng Katawan ng mga Empleyadong Working from Home

Sa panahon ng new normal, maraming naging pagbabago sa paligid at sa ating mga kinagawian. Ang work from home ang naging alternatibong paraan upang matugunan ang pangangailangang makapagtrabaho sa gitna ng pandemya. Isang setting ng pang opisinang trabaho na maraming oras ang ginugugol na nakaupo sa harap ng computer.

Marami ang hindi nakakaalam na ang pangmatagalang pag-upo, pagtitig ng mahabang oras sa computer at pagtatype ng maramihan ay may bantang panganib sa kalusugan kung hindi magiging maingat sa posture mo. Maaaring sa ngayon ay hindi mo pa ito nararamdaman, ngunit hindi malayo na danasin mo ito balang araw.

Ang mga sumusunod ay ang posibleng “body aches” na maaaring mangyari at dapat bantayan kasama ang mga paraan para ito’y malunasan:

Continue reading

10 Tips sa Tamang Paraan ng Pagbubuhat ng Mabigat

Isa sa pangunahing dahilan ng pagsakit ng likod ay ang pagbubuhat ng mabigat. Mahalagang malaman ang tamang paraan kapag magbubuhat upang maiwasan ang injury sa likod na syang sanhi ng pagsakit nito.

Narito ang 10 tips na dapat sundin :

Continue reading

5 Paraan para Maging Healthy ang Lungs

Sa panahon ngayon na hindi pa mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang virus na covid 19, mahalagang mapatibay ang lungs o baga dahil ang malakas na baga ay depensa upang malabanan at matalo ang virus. Sa dahilang ang baga ang pangunahing naaapektuhan ng covid, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga paraan upang mapalakas ito.

Continue reading