Paano Makasisiguro na ang Nabiling Honey ay Puro

Ang honey ay isa sa mga pagkaing subok na ang bisa sa pagpapagaling ng ubo, sipon, makating lalamunan, ulcer at iba pa. Napatunayan rin na magaling ang honey bilang panlaban sa mga viruses at bacteria bukod pa sa ang pagkain nito ay nakapagdudulot ng masigla at malakas na katawan. Sangkap din ito na nakapagpapaganda ng balat at isa ring antioxidant.

Continue reading

7 Tips para sa Madaling Paggaling mula sa Bell’s Palsy

Tunay na nakakabahala kung isang umaga ay magising ka na tabingi ang iyong mukha at hindi mo maigalaw ang kalahati nitong bahagi. Bukod pa riyan ay hindi mo maisara ang isang mata, nagluluha, tumutulo ang laway, at maging ang pagnguya ay hindi magawa ng tama. Kung mangyari sa iyo ito, may malaking posibilidad na tinamaan ka ng Bell’s Palsy.

Ano Bell’s Palsy?

Ang Bell’s Palsy ay isang kondisyon kung saan ang kalahating bahagi ng mukha ay nawawalan ng kakayanang maigalaw. Nangyayari ito dahil sa pamamaga ng nerve na nagcocontrol sa paggalaw ng facial muscles. Sinasabing viral infection ang pangunahing dahilan nito. Dahil sa impeksyon ay namamaga ang nerve ng kalahating mukha. May mga pag-aaral na ang Bell’s Palsy ay may koneksyon sa iba pang karamdaman gaya ng high blood at diabetes. Gayunpaman, mahalagang malaman na hindi naman malalang sakit ang Bell’s Palsy. Sa katunayan ay maraming nagkaroon nito ang humalik sa normal ang mukha.

Kung nararanasan mo ito ngayon ay dapat mong malaman ang mga mahahalagang tips na kailangan mong gawin upang makatulong sa mabilis mong paggaling mula sa Bell’s Palsy.

1. Huwag magpanic, kalma lang. Kapag napansin na may kakaiba sa iyong mukha at hindi mo maigalaw ang kabila ay huwag matatakot. Kung kaya mo namang igalaw ang lahat ng bahagi ng iyong katawan. Kaya mong itaas ang iyong mga kamay at kaya mong isipa ang iyong mga paa, hindi dapat mabahala, malamang ay tinamaan ka lang ng tinatawag na Bell’s Palsy.

2. Pumunta agad sa doctor. Mainam na komunsulta sa isang neurologist na syang espesyalista sa mga ganitong uri ng karamdaman. Sya ang makapagsasabi kung talagang Bell’s Palsy ang tumama sa iyo. Ang doktor ay magrereseta ng gamot na makatutulong sa paghupa ng pamamaga ng apektadong nerve ng mukha.

3. Protektahan ang mata. Sa may malalang kaso na hindi kayang isara ang mata, kailangang malaman ang panganib nito sa pagkaimpeksyon at pagkatuyo. Kaya marapat lamang na bigyan ng kaukulang pansin ang pagprotekta sa mata. Maaari itong tapalan ng tape o takpan ng malinis na panyo upang hindi manatiling nakamulat. Ang doktor ay magbibigay din ng pampatak na gamot para sa mata. Maging maingat at maghugas ng kamay bago hawakan ang mukha lalo na ang mata.

4. Huwag kaligtaang gawin ang mga facial exercises. Humingi ng gabay mula sa isang PT (Physical Therapist/ Physiotherapist). Mahalagang malaman ang tamang exercise na gagawin sa tumabinging mukha. Kailangang nakabase ang exercise sa kalidad ng paggalaw ng facial muscles. Hindi dapat nagpupumilit na maikilos ang kalahating mukha kung hindi pa talaga kaya. Dapat may timing, ito ang syang ituturo ng PT na titingin sa inyo.

5. Masahihin ang mukha. Isang bagay din na ibinibigay at itinuturo ng PT (Physical Therapist) sa may Bell’s Palsy ay ang facial massage. Ito ay ginagawa upang makakatulong sa agarang paggaling.

6. Magpahinga at matulog ng sapat. Kailangan ang sapat na tulog upang maging mabilis ang pagrecover mula sa Bells Palsy. Maaari pa rin namang gumawa ng mga gawain kung kinakailangan. Tandaan lamang na kapag sumapit na ang oras ng pahinga ay magpahinga na. Huwag ng sagarin ang katawan sa paggawa.

7. Huwag maiinip, manatiling matiyaga at mapagpasensya. Ang bell’s palsy ay gumagaling kaya walang dapat ikabahala. Madalas ay bumabalik 100% ang normal na anyo ng mukha makaraan ang ilang linggo o buwan depende sa naging pinsala.

Paano Maiiwasan ang Stress sa Panahon ng Covid

Hindi raw nakakapagtaka kung maramdaman mo ang pagkabagot sa panahong bawal lumabas dahil sa pandemic. Parang tumigil ang mundo nang makulong tayo sa bahay. Ang malaking pagbabago sa dating araw-araw na busy routine ay napalitan ng sobra sobrang pahinga. Di ba’t ito naman talaga ang gusto natin, mahabang bakasyon. Sa sobrang haba ay naumay na sa pagkatengga sa bahay, walang ibang maisip gawin kundi matulog at kumain.

Continue reading

Paano Papuputiin ang Kilikiling Maitim sa Natural na Pamamaraan

 

Ang pagkakaroon ng maitim na kilikili ay problema ng maraming babae. Sa karamihan ay nagdudulot ito ng pagkawala ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Pinagmumulan din ito ng pagkahiya lalo na kung ang damit na isusuot ay magpapakita sa kilikili kapag itinaas ang kamay. Kaya naman kaysa pagtawanan, pagtsismisan, pintasan o pulaan ng iba, ang kilikiling maitim ay pilit itatago na lang na lihim.
Kung nawawalan ka na ng pag-asa sa iyong kilikili at inakala na wala ng ibang paraan para pumuti ito, naku mali ka sa iyong akala dahil may pag-asa pa yang pumuti. Ang totoo magagawa mong paputiin ang kilikili mong maitim sa pamamagitan ng pagbabago sa mga dati mong nakagawian at sa kaunting halaga at pagtitiyaga makakamit mo rin ang kilikiling maputi.

Continue reading

Ano ang Dapat Gawin Kapag may Bungang -Araw

Bungang-araw/ Prickly heat

Sa tindi ng init ngayong tag-araw hindi maiiwasan ang pagiging pawisin. Kaya naman usong-uso ang pagkakaroon ng bungang -araw. Problema iyan ng maraming nanay ngayon dahil kadalasan ay mga maliliit na bata at mga sanggol ang nagkakaroon nito. Ngunit hindi lamang sa mga bata uso ang bungang-araw, marami ring matatanda ang nagkakaroon nito.

Ano ang Bungang-Araw?

Ang bungang-araw o prickly heat ay makati, butlig-butlig at mapupulang rashes na lumalabas sa bahagi ng balat na madalas pinagpapawisan gaya ng likod, leeg, braso, ulo, dibdib, ilalim ng kilikili, ilalim ng suso, puwet atbp.

Lumilitaw ang bungang -araw dahil sa sobrang pagpapawis na nagdudulot ng pagbabara sa daanan ng pawis o sweat glands. Ang pagbabarang ito ang lumilikha ng pamumula at pangangati.

Anu-ano ang mga puwedeng gawin para gumaling at mawala ang bungang-araw?

Continue reading

Home Remedies para Masuportahan ang Katawan Laban sa COVID-19

File:NO FACE MASK, NO ENTRY.jpg - Wikimedia Commons

Lubhang nakakabahala ang pagkalat ng COVID-19 o Corona Virus Disease of 2019. Lalo pa at sa mga oras na ito ay wala pang gamot na makapupuksa rito. Kung gaano pa katagal mamamayagpag ang lupit ng bagsik ng virus na ito  ay walang nakakaalam. Sa ngayon dapat ay mag-ingat ang bawat isa lalo pa at buong mundo ang apektado nito.

Hindi dapat balewalain ang simpleng paghuhugas ng kamay dahil napakalaki ng maitutulong nito upang hindi mahawa ng sakit. Gayundin ang pagsusuot ng mask at social distancing ay patuloy na dapat isagawa. Iwasan din ang paghawak sa mukha dahil ang virus ay nakapapasok sa katawan ng biktima sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.

Ang immune system ay dapat ding palakasin dahil ang malakas na immune system ay depensa ng katawan upang manalo laban sa virus.

Mapapalakas ang immune system sa pamamagitan ng tamang pagkain, pag- eehersisyo, sapat na tulog at positibong pananaw sa buhay.

Sa mga istorya ng mga taong nakarecover matapos tamaan ng COVID-19, kapansin-pansin ang hirap na dinanas nila mula sa hirap na paghinga, mataas na lagnat, panghihina ng katawan, at di mapigil na pag-ubo.

Kung sakali at dumaranas ng mga sintomas ng covid-19 tulad ng ubo’t sipon, lagnat, at nahihirapang huminga, ang mga sumusunod na home remedies ay mabuting isagawa upang matulungan ang katawan na maibsan ang hirap at maiwasan ang mga komplikasyong gaya ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato at pagkamatay.

Narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring gawin kung sakaling nararanasan ang mga  sintomas ng covid-19:

Continue reading

Paano Gawing Kapaki -pakinabang ang Bawat Araw sa Panahon ng Quarantine (Covid -19)

Nakakainip para sa marami ang makulong sa bahay ng ilang linggo. Lalo at wala ka namang maisip gawin kundi ang kumain (kung may makakain) at matulog at kumain uli at matulog na naman.

Ganyan ang gawain ng karamihan sa panahon ng quarantine at lockdown. Sinong nakapagsabi na daranasin natin ang ganitong kalagayan. Paralisado ang mga kabuhayan. Hindi makapaghanap-buhay ang karamihan. Walang klase ang mga paaralan. Limitado ang galaw ng mga tao. Maging ang pagkain kung walang pambili ay talagang magtitiis at maghihintay na lamang na mabahaginan ng relief goods galing sa gobyerno.

Ang panahong ito ay mahirap dahil sabi nga ang kalaban ay hindi nakikita. Ang tanging paraan lamang para malabanan ang virus (covid- 19) sa ngayon ay ang magtago. Literal na magtago sa loob ng bahay. Kaya bago pa kayo abutin ng buryong ay narito ang ilang pwedeng pagkaabalahan sa panahong mistulang bilanggo sa tahanan.

1. Para sa mga naka home quarantine, magandang pagkakataon ito para makapagbasa ng isang magandang libro. Kung may matagal ka ng libro sa bahay na hindi mo man lang mabuklat dahil sa kabusyhan, ito na ang araw para masimulan mo itong basahin.

2. Huwag limitahan ang pagkilos. Kahit maliit ang bahay ay siguradong may paraan para gumalaw galaw at makapag exercise.

3. Bonding time ito kasama ang pamilya kaya huwag ipagkait ang oras mo sa kanila. Oras ito para magkasama-sama sa isang makabuluhang kwentuhan o kahit ano mang bagay.

4. Maglinis ng bahay. Tingnan ang mga suluk-sulok ng bahay nyo at siguradong maraming nakasingit na mga dumi dyan. Maigi rin na magbilad ng mga unan at kutson kung tirik ang araw.

5. Makipaglaro sa mga anak. Larong kulitan o larong pampatalas ng isipan gaya ng chess, word puzzle, atbp.

Ilan lamang ito sa mga maaaring pagkaabalahan sa panahon ng lockdown. Kumain ng pagkaing pampalakas ng resistensya at pampatibay ng immune system tulad ng mga prutas at maberdeng gulay. Huwag ding kalimutan na magdasal sa Poong Maykapal.

Watch “VIRUS A, B, OR C…DON’T SWEAT IT! (Dr Alan Mandell, DC)” on YouTube

Watch “Unexpected Effects of Honey on Human Brain – Sadhguru” on YouTube

5 Dahilan Kung Bakit Dapat Gumamit ng Virgin Coconut Oil sa Buhok

Ang buhok ay mahalagang bahagi ng ating ulo. Hangga’t maaari ay ayaw nating tayo’y makalbo dahil bukod sa nakadaragdag ang buhok sa ating kagandahan ay nagsisilbi rin itong proteksyon laban sa matinding sikat ng araw.

Ang panlalagas ng buhok nang higit sa normal ay nakakabahala kung minsan dahil posibleng senyales ito ng isang karamdaman. Ngunit huwag matakot kapag nalalagasan ng mula 50-100 hibla ng buhok araw-araw dahil iyan ay normal lamang.

Continue reading