Tag Archives: exercise

Paano Maiiwasan ang Pagsakit ng Katawan ng mga Empleyadong Working from Home

Sa panahon ng new normal, maraming naging pagbabago sa paligid at sa ating mga kinagawian. Ang work from home ang naging alternatibong paraan upang matugunan ang pangangailangang makapagtrabaho sa gitna ng pandemya. Isang setting ng pang opisinang trabaho na maraming oras ang ginugugol na nakaupo sa harap ng computer.

Marami ang hindi nakakaalam na ang pangmatagalang pag-upo, pagtitig ng mahabang oras sa computer at pagtatype ng maramihan ay may bantang panganib sa kalusugan kung hindi magiging maingat sa posture mo. Maaaring sa ngayon ay hindi mo pa ito nararamdaman, ngunit hindi malayo na danasin mo ito balang araw.

Ang mga sumusunod ay ang posibleng “body aches” na maaaring mangyari at dapat bantayan kasama ang mga paraan para ito’y malunasan:

Continue reading

5 Paraan para Maging Healthy ang Lungs

Sa panahon ngayon na hindi pa mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang virus na covid 19, mahalagang mapatibay ang lungs o baga dahil ang malakas na baga ay depensa upang malabanan at matalo ang virus. Sa dahilang ang baga ang pangunahing naaapektuhan ng covid, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga paraan upang mapalakas ito.

Continue reading

Ano ang Nangyayari Kapag Na- Stroke ang Isang Tao ?

Ang stroke ay aksidente sa utak kung saan ang ugat sa utak ay nababarahan o pumutok. Ang ugat na iyon ay parang maliliit na tubo na dinadaluyan ng dugo. Ang supply ng dugo sa utak ay hindi dapat maantala dahil kapag walang dugo ay wala ring oxygen na makararating sa utak na maaaring ikamatay ng brain tissue.

Mahalagang maunawaan na ang utak ay napakahalagang parte ng ating katawan at pagkatao. Dahil ang utak ang nagtatrabaho para tayo ay makadama, makakita, makarinig, makaamoy, makapagsalita, makaintindi, makakilos, makapagplano, makaramdam, makapag-isip ng tama at halos lahat ng kaya nating gawin ay nasa kontrol ng ating utak.

Pangunahing kailangan ng utak ang oxygen at mga nutrients para gumana ito ng maayos. Sa kadahilanang ang utak ang sentro ng kontrol ng buong katawan, nararapat lamang na maganda ang daloy ng dugo sa utak para maging maganda rin ang pagpasok ng oxygen at nutrients dito.

Sa kaso ng stroke, sa oras na mabarahan o pumutok ang ugat sa utak madalas na makikitang sintomas nito ay ang kawalan ng kakayahang maikilos ang kalahating bahagi ng katawan. Hirap maigalaw ang kamay at paa. Ang iba pa ay nawawalan ng balanse kaya madaling matumba kapag uupo o tatayo. Hirap magsalita, nag- iiba ang ugali, iritable, wala sa sarili, makakalumutin. Kung minsan pati kontrol sa pag-ihi at pagdumi ay nawawala rin.

Magkakaiba ang sintomas na makikita sa bawat pasyenteng na -stroke. Kung sa kanang bahagi ng utak nagkaroon ng bara, ang kaliwang kamay at paa ang hindi maigagalaw. Kung sa kaliwang parte naman ng utak nagkabara, ang kanang kamay at paa naman ang hindi maigalaw at kadalasan ay hirap sa pagsasalita.

Upang maagapan ang paglala ng stroke, huwag ipagsawalang bahala kung mapansin ang sumusunod na mga sintomas:

1.) Paglaylay ng kalahating bahagi ng mukha. Nagkakaroon ng assymetry o hindi pantay ang mukha, parang nakatagilid ang isang bahagi.

2.) Hindi maitaas ang isang kamay. Kapag inutusan na itaas ng sabay ang mga kamay ay isa lang ang kayang itaas. Kung pareho mang naitaas ay agad ding babagsak ang isa.

3.) Hirap magsalita, nabubulol o ngamol ang usap.

4.) Dalhin agad sa ospital/emergency room ang taong may nararanasang ganitong sintomas. Huwag patagalin o hayaang abutin pa ng apat na oras na hindi nadadala sa ospital. Malaki ang tsansa na maging grabe ang pinsala sa utak kung hindi agad mabibigyan ng agarang lunas.

Hindi biro ang ma-stroke. Swerte sa iba na nakarecover at nakabalik sa dating lakas. Ngunit marami ang na-stroke na hindi na naibalik ang normal na paglakad, limitado na ang paggalaw ng kamay, at hindi na makapagsalita ng maayos.

Sa panahon ngayon, hindi na lang matatanda ang tinatamaan ng stroke. Dapat maging maingat sa katawan, kumain ng tama, umiwas sa alak at sigarilyo, at mag- ehersisyo.

Ano ang Physical Therapy?

Maraming napagkakamalan na ang physical therapy ay pagmamasahe. Ngunit may malaking pagkakaiba ang dalawang ito at hindi talaga sila magkapareho. Sa topic na ito ay bibigyan linaw ko at ipapaliwanag kung bakit sila magkaiba. Mahalaga rin na malaman kung sino ang dapat nyong lapitan kung sakaling payuhan kayo ng doktor na magpatherapy.

Continue reading

10 Paraan Para Malabanan ang Pag-iisip ng Negative

Think Positive

Think Positive

Isa sa pinakamagandang payo na maibibigay sa kaibigang problemado na lumapit sa iyo ay maging positibo. “Think positive friend”, ang bilis sabihin pero sa totoo lang, mahirap itong gawin. Ngunit kapag nagawa mo sigurado naman ang magandang resulta na makukuha mo.

Alam mo ba na kapag sinimulan mong mag-isip ng negative at hindi ka gumawa ng paraan para maalis ito sa iyong isip ay para ka ring nag-iipon ng basura na tinatambak at tinatago mo pa.

Continue reading