Tag Archives: calcium

Ano ang Dahilan ng Pagrupok ng Buto -Osteoporosis

Ang pagrupok ng buto ay karaniwang nangyayari sa mga matatanda. Ngunit may mga kaso rin na bata pa ay nagkakaroon na nito. May iba’t ibang dahilan kung bakit nagiging marupok ang buto ng isang tao.

Sinasabi sa mga pag-aaral na ang osteoporosis ay namamana. Malaki ang tsansa ng isang tao na magkaroon ng osteoporosis kung ang magulang niya ay mayroon nito. May mga karamdaman din na iniuugnay sa pagrupok ng buto. Ang ilan sa mga sakit na may koneksyon sa osteoporosis ay diabetes, hyperthyroidism at Cushing’s disease.

Higit na maraming kababaihan ang may osteoporosis kumpara sa mga kalalakihan. Dahil ang babae pagsapit ng katandaan ay humihinto ang pagreregla. Kapag hindi na nireregla ang isang babae ay nababawasan ang estrogen na syang kailangan para tumibay ang buto.

Hindi rin kataka-taka na maging marupok ang buto ng isang bata o sanggol. Ito ay maaaring mangyari kapag habang nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol ay kulang na ang sustansyang kanyang natatanggap mula sa kanyang ina. Ang malnustrisyon na nararanasan ng bata habang nasa tiyan pa lamang ay maaaring magpababa ng kanyang bone density o hindi matibay na buto. Maaari nya itong madala hanggang sa paglaki.

Maaari ring makuha ng isang tao ang osteoporosis base sa uri ng kanyang pamumuhay. Ang labis na paninigarilyo at pag – inom ng alak ay nakapagpaparupok ng buto. Ang palagiang pagkain ng maalat gayundin ang kakulangan sa nutrisyon, hindi sapat na calcium at kulang sa vit.D ay nagdudulot ng mahinang mga buto. Kapag kulang ang calcium sa kinakain natin, kumukuha ang katawan ng calcium mula sa buto. Dahilan para rumupok ang buto.

Ang isa pa sa itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng osteoporosis ay ang kawalan ng pisikal na aktibidad. Ang sedentaryong pamumuhay gaya ng matagalang pag-upo sa maghapon at palagiang paghiga ay nakapagpapahina ng buto na nauuwi sa osteoporosis.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng osteoporosis dapat lamang gawin ay:

1. Tiyakin na kumain ng pagkaing mayaman sa calcium gaya ng gatas, maberdeng gulay.

2. Maging aktibo sa pagkilos, mag ehersisyo, maglakad-lakad.

3. Magpaaraw sa umaga 10 minuto araw-araw para makakuha ng Vitamin D.

4. Iwasan ang alak at sigarilyo.

Simpleng mga paraan para maingatan ang ating buto. Kadalasan ay nakaliligtaan o kinatatamaran nating gawin dahil hindi pa natin ramdam ang masamang epekto ng ating pagpapabaya. Habang maaga ay dapat na nating simulan ang pag -iingat sa ating mga buto upang sa pagtanda ay hindi tayo maging kuba at kalakasan ng katawan ay hindi agad mawala.

Mag-ingat sa Pag- inom ng Gatas

Sino ang mag-aakala na ang pag- inom ng gatas ng hayop partikular ang baka ay hindi nakabubuti sa katawan ng tao. Matagal na panahon tayong pinaniwala na ang regular na pag inom ng gatas ay makapagpapatibay ng ating buto. Subalit natuklasan ng mga siyentipiko na salungat ang epekto nito. Ayon sa naging pag- aaral, ang gatas ay nakapagdudulot ng panganib sa kalusugan. Maaaring maging dahilan ito ng pagkakaroon ng osteoporosis at mataas na posibilidad ng pagkabasag o pagkalamat ng buto.

Continue reading